Thursday, 28 January 2010

CHATROOM by loveangie

CHATROOM? hmmm, sa panahon ngayon marami ang naaadik sa mga chatrooms,
ito kasi ang libangan ng sinumang nasa abroad. nakakatulong sa pag ka HOMESICK,
nakakaaliw at nakakabawas ng problema. dito din makakatagpo ka ng maraming kaibigan
ngunit dapat lang mag ingat kung sino dapat ang pag katiwalaan,
iba ibang tao iba ibang ugali, depende nalang kung panu mo pakikibagayan.
CHATROOm, minsan dahilan kung bakit meron nag kakagustuhan, mag uumpisa sa pag kakaibigan hanggang sa pag iibigan, ngunit habang narito ka sa ganitong mundo,
dapat mong ihanda ang sarili mo. Kung ikaw ay iibig sa mundong ito, kailangan mo ng tibay ng loob at matatag na tiwala.tiwala para sa sarili mo at tiwala sa taong mamahalin mo, dahil minsan ang chatroom ang dahilan kung bakit di nag kakasundo ang magkasintahan, isa ito sa dahilan kung bakit me nag kakaron ng gap sa bawat isa hanggang umabot sa hiwalayan.kaya kung ako sa inyo, me hangganan ang lahat, mag enjoy lamang sa loob ng chatroom pero dapat mong alamin na bawat isa ay may limitasyon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home